Wednesday, September 26, 2007

Kamusta Naman Ang Buhay Kolehiyo Ko

Mula ng magtapos ako sa iskwelahan kong parang high school tumatak na sa isip ko na higit pang hihirap ang kabanata ng aking buhay bilang istudyante ng kolehiyo.
Ang kolehiyo ang pinakahuli na dapat kung lampasan at ito angtunay na magiging daan para matupad ang aking pangarap.
Ang pangarap na makapagtapos at makapaghanap ng trabaho upang makatulong sa aking pamilya.
Para naman makabawi ako sa suporta na binigay ng aking magulang lalo na sa tita ko na handang tumulong sa akin.
Mula ng maka-enrol ako sa PLmAr inisip ko ang mga bagong mukha na aking makikita at makakasalumuha.
Ngunit ngayon ang mga bagong mukha na aking nasilayan ay unti-unti klo ng napipintahan.
Sa ngayon malapit na magtapos ang aming unang semester. Grabe talaga ang bilis lumipas ng araw at gabi.
Parang kailan lang, umpisa ng klase may iilan ay nag-uusap samantala ako tahimik lang.
Paano naman kasi nakakahiya pa nun, alanganin namang manggulo ako o magpapansin para makausap ko sila di ko ata kaya yun.
Pero noon yun ngayon wala ng hiya-hiya.
Nakakatawa nga eh kasi nagsimula ako manggulo sa klase kapag may nagtuturo.Di ko kasi maiwasan ang
magbiro lalo na kung may nakakatuwa talagang usapan.Masasabi kong ayos lang ang buhay kollehiyo ko.
Tsaka ayos na din sa akin ang mga grado na aking nakukuha.
Masasabi ko din na mas sumipag ako sa pag-aaral at nagkaroon ng pagbibigay pansin sa mga araling dati'y mababa ang aking grado.
May mga oras na talagang tahimik ako hindi dahil sa nakikinig ako sa guro namin kundi ang utak ko'y lumilipad sa kalangitan.
Syempre!! Anu pa nga ba???
Wala ng ibang dahilan pa. Syempre yung mahal ko. Matagal-tagal na din kasi di ko siya nakikita at nakakausap.
Gayun pa man di ko masyado inaalala yun(hindi nga ba?) kasi nalilibang ko ang aking sarili sapag-aaral.
Di ko sinasabi na ginagawa kong libangan ang pag-aaral para makalimot syempre nag-aaral ako para makapagtapos at makapagtrabaho.
Pagdating sa pakikisalamuho halos sa mga kaklase ko ayos pakisamahan iilan lang yung boring kasama o din naman kaya ako yung boring kasama.
Sa nalalapit na pagtatapos ng aming unang semester pakiramdam ko maliit ang silid aralin namin.
Hindi ko sinasabing maliit ang silid aralin namin base sa sukat at laki nito kundi sa mga taong nakapaligid sa aking.
Pero wala naman sa akin yun ang mahalaga ay maipasa ko ang unang semester.
Nagpapasalamat din nga ako kasi marami dion akong nakilalang mgakaibigan na kahit makulit astig naman.
Tsaka talagang maipagmamayabang ko na naging kaibigan ko sila.

No comments: