Wednesday, September 19, 2007

Kailan Pa Kaya

Sa katayuan kong ito may dalawang bagay akong nais makamit at yun ay ang muling lumigaya at magkaroon ng tiwala sa sarili.
Ligaya na ni minsan di ko pa naranasan.
Maituturing ko bang ligaya ang bawat tawa at ngiti ko kung sa likod nito'y may kalungkutang nakakubli.
Ang mga kalungkutan na pilit nilalayo ako sa kasiyahan.
Ang mga ngiti ba sa mga kaibigan at sa aking pamilya ay sapat na upang matugunan ang kaligayahan na aking inaasam.
Ang sagot ay hindi dahil alam ko siya lamang ang makakapagbigay sa akin nun.
Ang taong aking tinutukoy ang aking minamahal.
Ang minamahal ko na lagi nasa isip ko. Ewan ko ba masaya ako kapag naaalala ko siya ngunit sa katagalan unti-unting nababalutan ang aking damdamin ng kalungkutan.
Kaya masasabi ko talaga na sa ngiti ng aking minamahal ko matatagpuan ang ngiti na aking ikaliligaya. Kaso mukhang malabo ang lahat na ito.
Sa kabila ng mga nais ko gusto ko rin na mapasaakin siya.
Kaso may iba na siyang minamahal kaya sa ngayon ang tangi ko lamang magagawa ay mahalin siya.
Oo, hahayaan ko siya magmahal ng iba masakit man sa akin yun wala na ako magagawa.
Tsaka talagang malabo kasi ang ngiting hinihintay ko sa kanya kailangan may kasabay.
Nais ko kasi sa oras na ngitian niya ako ay sabay ko maririnig mula sa kanyang labi na
"Mahal Kita"
huhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu
huhuuuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu Sino magsasabi na may ganito pala akong buhay.
Buhay na malungkot pero sa inilalabas o pakikitungo ay isa sa aking katauhan.
Isang katauhan na nagpapabago sa aking totoong katauhan.
Hindi halimaw ang aking katauhan ngunit nababalot ng dilim ang aking pagkatao o katauhan.
Dahil sa dalawang katauhan kong ito hindi ko masabi kung anu ba talaga ako.
Tama bang sabihin ko na mabait ako, matalino ako, masipag ako,matiyaga ako at magalang akong tao. Kung hindi ko naman kilala ang aking sarili.
Minsan nga may nagsabo sa akin' wala ka bang tiwala sa sarili mo?"...ang sagot ko "wala" kasi naman paano ako magkakaroon ng tiwala sa sarili kung ang sarili kong pagkatao ay hindi ko alam.
siguro ako nagpapatuloy sa buhay na aking kinagigisnan ay para mas makilala ko pa ang aking tunay na pagkatao........at hindi lang iyon para makasama ko ang tunay na nagmamahal sa akin.

2 comments:

rahyan said...

arnie, ano ba sasabihin ko sau?? lam ko na kaw ung bwiset eh. pano ba kita matatalo sa math!!! bat ba kac ang talino mo,,? ano ba kac kinakain mo at makain din.?????? ok sa blog mo nman pano mo ba ginawa yang blog mo turuan mo nman ako kng pano lagyan ng pic tsaka lagyan ng video yan ah?????????

Unknown said...

well arnie good job!!!!...ang lalim ng mga salita mo ah!!!! pero okie sya...arnie mukang hnd ako karapat-dapat maging 2 sa top 5 noh!!!!dapat c cheza ung 2nd o kaya 1st....hehehehehehe per good job.....lonely boy...hehehehhee