Tuesday, September 18, 2007

Laro ng Buhay Ko

Ako nga pala si Arnie pwede niyo akong tawaging "Nie".
May anim akong kapatid at ako yung panganay bale pito kami lahat.Hehehe ang sipag na magulang ko noh??
Masipag naman talaga ang magulang ko lalo ang nanayko sa gawaing bahay at ang tatay ko sa kanyang trabaho.
Mas kasundo ko nanay ko kaysa sa tatay ko. Paminsan-minsan pa nga nag-aaway kami ng tatay ko dahil kasi sa mga kapatid ko.
Pahamak na lang lagi para sa akin ang mga kapatid ko.
Pero ayos lang sa akin yun wala naman ako magagawa eh panganay kasi.
Sabi nga ng iba pag-panganay ka lagi ikaw ang nasisisi kahit di mo kasalanan.
Dahil sa hindi namin pagkakasundo ng tatay ko mga 3 beses na din siguro ako naglayas! take note san ako natutulog!!!
Sa playground ako natutulog!!alam niyo ba dun?? Heheh malamig nga dun eh kasi malamig din yung hinihigaan kong upuan.
Kaso ang ayaw ko lang dun noon ang dilim kasi baka may mangyari pa sa akin kaya minsan din sa pinsan ko ako natutulog.
Naglalayas lang naman ako para makapagpalamig ng ulo at para di din mag-init yung ulo ng tatay ko sa akin.
Pero ang tatay ko mabait naman talaga eh..naiitindihan ko naman siya.
Siguro dala lang ng pagod niya yun sa biyahe(kaso di rin bakit minsan) ay anu ba yan basta ayus lang sa akin yung mga ganung factor.
Ang pinakamagandang nangyari sa akin buhay??wala pa ata..Siguro yung nabuhay ako sa mundong ito at nakasama ko ang pamilya ko.
Ang pinakamasama naman yun yung anu di maswerte sa babae hehe wala ako maisip.
Ang hilig ko lang sa buhay ko ay tumambay sa gabi madalas ako lang mag-isa. Hehe alam na kasi ako ay nagmumuni habang nakatingin sa langit. Ang iba ko pang hilig ay kumain , maglaro ng bola kahit anung klaseng bola pwede ako at syempre ang manuod ng mga anime or cartoon show diyan ako talaga may hilig.
Hmmmm sabi nga daw ng iba ang hilig ko daw ay babae kasi nasa itsura ko daw ang chikboy!! chikboy!! pa eh wala nga akong syota ehhh isang beses pa lang ako nagkakasyota. Tapos yun di na nasundan kasi tinamaan talaga ako sa babaeng yun. Kung sino yun kilala na ng iba yun sa hindi nakakaalam sus alam ko na hindi niyo kailangan alamin. Para sa mga interesado sekreto ko na yun.............. Ang masasabi ko na lang siguro sa sarili ko ahmmmmmm kasi sabi nila ganito ako ha hindi ako nagsabi maputi daw???
Matalino daw???
Maginoo daw???
Masipag daw???
Teka sa tingin niyo ba meron ako ng mga ito??
Ako sa palagay ko hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm
Di ko sure ehhhhhh ewan ko lang basta kung ano sinasabi ng iba dun na ako...sabihan pa ako ng panget ayus lang kasi sila lang nakakakita at nakakakilala sa pagkatao ko....
Maraming panahon na din ang lumipas. Parang kailan lang ako ay isang batang wala pang kamuhang-muhang na wala lang ginawa kundi ang maglaro,mag-aral,kumain at matulog.
Ang sarap talaga ng buhay bata. Pero sa ngaun isa na lang nanatili sa buhay ko ang paglalaro.
Bawat laro lagi nan diyan ang sarap,saya, at ginhawa. Ngunit masasabi ko sa laro ng buhay ko lagi akong talo,luhaan,nasasaktan at nag-iisa.
Nasabi ko ang mga bagay na ito dahil na rin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko na kung saan puso ko ang lagi kong pinapairal.
"OO",tanga ako! ni hindi ko man lang ginamit ang utak ko.....
h anu ngayon? kasalanan bang magmahal ng lubusan? siguro para sa iyo isang malaking kahambugan ang sobra-sobrang pagmamahal sa babae.
Pero ito lang masasabi ko,subukan mong ikaw ang lumagay sa katayuan kong ito malamang ay hindi lang malamang kundi talagang maiitindihan mo kung bakit ganun ako magmahal sa kanya.
Kabaliwan man o hindi ang pinagsasabi ko ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang makagawa ng "Blog"..kasi project namin ito sa computer...............^_^

2 comments:

phoebhie said...

well kung felling mo nag-iisa..well dito nmn ako sabi ko nga sau eh!!!...iintindihin kita at mamahalin kita ng higit sa pag mamamahal mo sa taong mahal mo...kaya wag k ng malungkot ah!!! dito lng ako sa tabi!!!! just remember my name okie if u need anything call okie

bHiEh01 said...

hay naku!!!just fyt...malay mo 1day malaman naing ikaw tlga ang para sa kanya...have faith wag kang susuko..gnyan dn ako dati...hekek...relax...d2 lng ako...