Friday, September 28, 2007

Wikipilipinas

Ngayong nalalapit na ang pagbabalik ng PBA , usap-usapan na ang mga manlalaro na magdadala sa kani-kanilang kupunan.
At ang mga magagaling na manlalaro na magsasalpukan at magpapakitaan ng kani-kanilang galing.
Sa panig na mga Ginebra Kings nangunguna at walang kapantay na
"The Fast, The Furious and The Fearless"
Na sina Mark Caguioa,Jayjay Helterbrand at Ronald Tubid.
Sama mo pa ang "H-Bomb" na si Rudy Hatfield.
Sa Air 21 naman ay ang Rookie nilang si Arwind Santos sama mo pa ang hari na dakdakan na si Kj Canaleta. Paano naman ung Mr. Pure Energy nila na si Gary David na ngayon ay injured pa.
Sa Sta. Lucia nangunguna si Kelly Williams sa Rookie na mataas ang porsyento sa puntos o iskor.
Madadala kaya ni Dennis Miranda ng maayos ang kanyang bagong tahanan na Sta Lucia na nung nakaraang conference ay di niya napagtanggol sa pagkakalaglag ang Sta Lucia.
Sa Welcoat naman mapapantayan na kaya ng laki ni Jay-r Reyes upang mapanalo ang kanyng kupunan o ang kanilng bayani na si Jercules Tangkay na malakas pagdating sa 3-point area.
Sa Coca Cola naman ang kanilang "The Hero" na si John Arigo na pambato sa 3-point kahit saan pa at si Ali Peek na dinadaan niya sa lapad ng katawan at lakas ng kanyang laro.
Nasan na nga pala yung "The Ninja" hindi kasi naging maganda ng kanyang unang laro sa PBA kaya naman hindi ito na bigyan muli n pagkakataon na makapaglaro.
Pero itong darating na kompetisyon may sabi-sabi na babawi daw si Joseph Yeo.
Sa San Miguel naman na sina Ildifenso at Racela na wala pa rin kupas sa paglalaro.
Dagdag mo pa ang gumagandang laro nila Cablay,Wilson,Calaguio at Tugade na wala rin kasigaraduhan kung makakapaglro dala na rin sa natamo niyang pilay sa tuhod na kanyang iniinda na sa tuwing siya ay maglalaro.
At syempre ang Rookie nila na si LA Tenorio na maganda talaga ang larong pinamalas.
Sa purefoods naman ang hari ng rebound na si Marc Pingris at Peter Simon na walang takot sumugod.
sama mo pa ang tambalan nila James Yap at Paul Artadi "The Thunder and Lightning".
Ibang klase talaga ang laro ni James Yap kaya nga tinawag din siyang "Unstopable Player" dahil na rin nga sa galing niya sa paglalaro.
Sa Red Bull naman ang kanilang mga astig na sina Baguio,Bugia,Nahorda at ang kanilang "Baby Face" na si Larry Fonacier.
At syempre ang kanilang " Hitman" na si Junthy Valenzuela na matagal ng dinadala ang kanyang kupunan.
Sa Talk 'n Text naman na 2nd Place nung nakaraang kompetisyon.
Ang pagbabalik ng "Rainman" na si Renren Ritaulo at ang "Mighty Mouse" na si Jimmy Alapag na siguradong paiinitin ang laro sa kort.
At syempre di pa rin mawawala diyan ang nagdala sa finals na si "Captain Hook" si Mark Cardona.
Ang tanong makakadiskarte pa kaya siya ngayong dumating na ang dalawa na magaling din magdala ng laro??????????????????????
Abangan na lang natin.
At ang huli ang nag-champion nung nakaraang kompetisyon walang iba kundi ang Alaska Aces.
Pinamunuan ni Willie Miller "The Thriller" samahan mo pa ng Mike Cortez "The Cool Cat" na talagang magsisiklab ang kort dahil sa galing ng dalawang ito.
At syempre naging MVP si Willie Miller nung kompetisyon na iyon. Usap-usapan sa Wikipilipinas ng PBA kung sino ang manlalaro na magtatanggol at magpapanalo sa kani-kanilang kupunan.
Sapat na ba ang "Spark" na maipapakita ni Caguioa??????
Ang "Energy" ni Gary David kaya?????????????????? Sapat na ba para mapatumba ang kalaban????????????????????
Eh ang "Rainman" ng 3-point na si Renren Ritaulo para maiwan at matambakan agad ang kalaban...........
Magiging sapat na ba ang "Super Rookie" na si Kelly Williams sa dakdakan para pangambahan ang kalaban ????????? Sapat na rin ba ang "Baby Face" ni Fonacier para talbugan ang kalaban????
Kaya na ba ng Mr. Mvp na si James Yap ang kalaban para ipakita kung ano talaga ang kaya ng MVP.
Eh ang beterano na sina Ildefonso at Racela kaya na kaya para manalo????
Gagana naman kaya ang pagiging "Hero" ni Arigo para saklolohan ang kanyang kupunan?????
Pwede kayang idaan ni Jay-r Reyes sa sa tangkad para mapanalo ang laro?????
Eh kamusta naman kaya yung kilay ni "Thriller" Willie Miller?? nakataas pa rin kaya?????
Kaya kaya nila pantayan ang kilay ni Miller? o ang kanyang "Killer Eye"
Grabe akalain mo yun magkakaroon pa ng ganung usap-usapan sa wikipilipinas!!!!!!!!!!
Hehehe di ko lang alam kung tama yung pinagsasabi ko kasi english yung nabasa ko tinaranslate ko lang sa tagalog. Astig ka wikipilipinas itayo mo ang bandera ng pilipinas...hehehe ^_^

Wednesday, September 26, 2007

Kamusta Naman Ang Buhay Kolehiyo Ko

Mula ng magtapos ako sa iskwelahan kong parang high school tumatak na sa isip ko na higit pang hihirap ang kabanata ng aking buhay bilang istudyante ng kolehiyo.
Ang kolehiyo ang pinakahuli na dapat kung lampasan at ito angtunay na magiging daan para matupad ang aking pangarap.
Ang pangarap na makapagtapos at makapaghanap ng trabaho upang makatulong sa aking pamilya.
Para naman makabawi ako sa suporta na binigay ng aking magulang lalo na sa tita ko na handang tumulong sa akin.
Mula ng maka-enrol ako sa PLmAr inisip ko ang mga bagong mukha na aking makikita at makakasalumuha.
Ngunit ngayon ang mga bagong mukha na aking nasilayan ay unti-unti klo ng napipintahan.
Sa ngayon malapit na magtapos ang aming unang semester. Grabe talaga ang bilis lumipas ng araw at gabi.
Parang kailan lang, umpisa ng klase may iilan ay nag-uusap samantala ako tahimik lang.
Paano naman kasi nakakahiya pa nun, alanganin namang manggulo ako o magpapansin para makausap ko sila di ko ata kaya yun.
Pero noon yun ngayon wala ng hiya-hiya.
Nakakatawa nga eh kasi nagsimula ako manggulo sa klase kapag may nagtuturo.Di ko kasi maiwasan ang
magbiro lalo na kung may nakakatuwa talagang usapan.Masasabi kong ayos lang ang buhay kollehiyo ko.
Tsaka ayos na din sa akin ang mga grado na aking nakukuha.
Masasabi ko din na mas sumipag ako sa pag-aaral at nagkaroon ng pagbibigay pansin sa mga araling dati'y mababa ang aking grado.
May mga oras na talagang tahimik ako hindi dahil sa nakikinig ako sa guro namin kundi ang utak ko'y lumilipad sa kalangitan.
Syempre!! Anu pa nga ba???
Wala ng ibang dahilan pa. Syempre yung mahal ko. Matagal-tagal na din kasi di ko siya nakikita at nakakausap.
Gayun pa man di ko masyado inaalala yun(hindi nga ba?) kasi nalilibang ko ang aking sarili sapag-aaral.
Di ko sinasabi na ginagawa kong libangan ang pag-aaral para makalimot syempre nag-aaral ako para makapagtapos at makapagtrabaho.
Pagdating sa pakikisalamuho halos sa mga kaklase ko ayos pakisamahan iilan lang yung boring kasama o din naman kaya ako yung boring kasama.
Sa nalalapit na pagtatapos ng aming unang semester pakiramdam ko maliit ang silid aralin namin.
Hindi ko sinasabing maliit ang silid aralin namin base sa sukat at laki nito kundi sa mga taong nakapaligid sa aking.
Pero wala naman sa akin yun ang mahalaga ay maipasa ko ang unang semester.
Nagpapasalamat din nga ako kasi marami dion akong nakilalang mgakaibigan na kahit makulit astig naman.
Tsaka talagang maipagmamayabang ko na naging kaibigan ko sila.

Wednesday, September 19, 2007

Kailan Pa Kaya

Sa katayuan kong ito may dalawang bagay akong nais makamit at yun ay ang muling lumigaya at magkaroon ng tiwala sa sarili.
Ligaya na ni minsan di ko pa naranasan.
Maituturing ko bang ligaya ang bawat tawa at ngiti ko kung sa likod nito'y may kalungkutang nakakubli.
Ang mga kalungkutan na pilit nilalayo ako sa kasiyahan.
Ang mga ngiti ba sa mga kaibigan at sa aking pamilya ay sapat na upang matugunan ang kaligayahan na aking inaasam.
Ang sagot ay hindi dahil alam ko siya lamang ang makakapagbigay sa akin nun.
Ang taong aking tinutukoy ang aking minamahal.
Ang minamahal ko na lagi nasa isip ko. Ewan ko ba masaya ako kapag naaalala ko siya ngunit sa katagalan unti-unting nababalutan ang aking damdamin ng kalungkutan.
Kaya masasabi ko talaga na sa ngiti ng aking minamahal ko matatagpuan ang ngiti na aking ikaliligaya. Kaso mukhang malabo ang lahat na ito.
Sa kabila ng mga nais ko gusto ko rin na mapasaakin siya.
Kaso may iba na siyang minamahal kaya sa ngayon ang tangi ko lamang magagawa ay mahalin siya.
Oo, hahayaan ko siya magmahal ng iba masakit man sa akin yun wala na ako magagawa.
Tsaka talagang malabo kasi ang ngiting hinihintay ko sa kanya kailangan may kasabay.
Nais ko kasi sa oras na ngitian niya ako ay sabay ko maririnig mula sa kanyang labi na
"Mahal Kita"
huhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu
huhuuuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu Sino magsasabi na may ganito pala akong buhay.
Buhay na malungkot pero sa inilalabas o pakikitungo ay isa sa aking katauhan.
Isang katauhan na nagpapabago sa aking totoong katauhan.
Hindi halimaw ang aking katauhan ngunit nababalot ng dilim ang aking pagkatao o katauhan.
Dahil sa dalawang katauhan kong ito hindi ko masabi kung anu ba talaga ako.
Tama bang sabihin ko na mabait ako, matalino ako, masipag ako,matiyaga ako at magalang akong tao. Kung hindi ko naman kilala ang aking sarili.
Minsan nga may nagsabo sa akin' wala ka bang tiwala sa sarili mo?"...ang sagot ko "wala" kasi naman paano ako magkakaroon ng tiwala sa sarili kung ang sarili kong pagkatao ay hindi ko alam.
siguro ako nagpapatuloy sa buhay na aking kinagigisnan ay para mas makilala ko pa ang aking tunay na pagkatao........at hindi lang iyon para makasama ko ang tunay na nagmamahal sa akin.

Tuesday, September 18, 2007

Laro ng Buhay Ko

Ako nga pala si Arnie pwede niyo akong tawaging "Nie".
May anim akong kapatid at ako yung panganay bale pito kami lahat.Hehehe ang sipag na magulang ko noh??
Masipag naman talaga ang magulang ko lalo ang nanayko sa gawaing bahay at ang tatay ko sa kanyang trabaho.
Mas kasundo ko nanay ko kaysa sa tatay ko. Paminsan-minsan pa nga nag-aaway kami ng tatay ko dahil kasi sa mga kapatid ko.
Pahamak na lang lagi para sa akin ang mga kapatid ko.
Pero ayos lang sa akin yun wala naman ako magagawa eh panganay kasi.
Sabi nga ng iba pag-panganay ka lagi ikaw ang nasisisi kahit di mo kasalanan.
Dahil sa hindi namin pagkakasundo ng tatay ko mga 3 beses na din siguro ako naglayas! take note san ako natutulog!!!
Sa playground ako natutulog!!alam niyo ba dun?? Heheh malamig nga dun eh kasi malamig din yung hinihigaan kong upuan.
Kaso ang ayaw ko lang dun noon ang dilim kasi baka may mangyari pa sa akin kaya minsan din sa pinsan ko ako natutulog.
Naglalayas lang naman ako para makapagpalamig ng ulo at para di din mag-init yung ulo ng tatay ko sa akin.
Pero ang tatay ko mabait naman talaga eh..naiitindihan ko naman siya.
Siguro dala lang ng pagod niya yun sa biyahe(kaso di rin bakit minsan) ay anu ba yan basta ayus lang sa akin yung mga ganung factor.
Ang pinakamagandang nangyari sa akin buhay??wala pa ata..Siguro yung nabuhay ako sa mundong ito at nakasama ko ang pamilya ko.
Ang pinakamasama naman yun yung anu di maswerte sa babae hehe wala ako maisip.
Ang hilig ko lang sa buhay ko ay tumambay sa gabi madalas ako lang mag-isa. Hehe alam na kasi ako ay nagmumuni habang nakatingin sa langit. Ang iba ko pang hilig ay kumain , maglaro ng bola kahit anung klaseng bola pwede ako at syempre ang manuod ng mga anime or cartoon show diyan ako talaga may hilig.
Hmmmm sabi nga daw ng iba ang hilig ko daw ay babae kasi nasa itsura ko daw ang chikboy!! chikboy!! pa eh wala nga akong syota ehhh isang beses pa lang ako nagkakasyota. Tapos yun di na nasundan kasi tinamaan talaga ako sa babaeng yun. Kung sino yun kilala na ng iba yun sa hindi nakakaalam sus alam ko na hindi niyo kailangan alamin. Para sa mga interesado sekreto ko na yun.............. Ang masasabi ko na lang siguro sa sarili ko ahmmmmmm kasi sabi nila ganito ako ha hindi ako nagsabi maputi daw???
Matalino daw???
Maginoo daw???
Masipag daw???
Teka sa tingin niyo ba meron ako ng mga ito??
Ako sa palagay ko hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm
Di ko sure ehhhhhh ewan ko lang basta kung ano sinasabi ng iba dun na ako...sabihan pa ako ng panget ayus lang kasi sila lang nakakakita at nakakakilala sa pagkatao ko....
Maraming panahon na din ang lumipas. Parang kailan lang ako ay isang batang wala pang kamuhang-muhang na wala lang ginawa kundi ang maglaro,mag-aral,kumain at matulog.
Ang sarap talaga ng buhay bata. Pero sa ngaun isa na lang nanatili sa buhay ko ang paglalaro.
Bawat laro lagi nan diyan ang sarap,saya, at ginhawa. Ngunit masasabi ko sa laro ng buhay ko lagi akong talo,luhaan,nasasaktan at nag-iisa.
Nasabi ko ang mga bagay na ito dahil na rin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko na kung saan puso ko ang lagi kong pinapairal.
"OO",tanga ako! ni hindi ko man lang ginamit ang utak ko.....
h anu ngayon? kasalanan bang magmahal ng lubusan? siguro para sa iyo isang malaking kahambugan ang sobra-sobrang pagmamahal sa babae.
Pero ito lang masasabi ko,subukan mong ikaw ang lumagay sa katayuan kong ito malamang ay hindi lang malamang kundi talagang maiitindihan mo kung bakit ganun ako magmahal sa kanya.
Kabaliwan man o hindi ang pinagsasabi ko ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang makagawa ng "Blog"..kasi project namin ito sa computer...............^_^